Manila, Philippines – Nagpapatupad pa rin ng Mandatory evacuation ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa lalawigan ng Albay partikular sa 8 kilometers extended danger zone mula sa nag-aalburutong Bulkang Mayon.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, ginagawa ang mandatory evacuation sa mga Barangay sa south western side ng Bulkang Mayon.
Ipinauubaya naman ng NDRRMC sa lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng mandatory evacuation lalot kung may residenteng naapektuhan ng ash fall at lava flow na lumampas pa sa 8 kilometers danger zone.
Nilinaw ni Marasigan na hindi naman nangyayaring kailangan pang hilahin palabas ng kanilang bahay ang mga residente dahil sa ipinatutupad na mandatory evacuation.
Nadadaan aniya sa maayos na pakiusapan ang mga residente o pamilyang apektado ng pagaalburuto ng bulkang mayon.
Tantya naman ng NDRRMC posibleng abutin ng isa hanggang tatlong buwan ang pananatili ng mga evacuees sa mga evacuation centers sa Albay.
Sa ngayon mayroon ng halos siyam na libong pamilya ang apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.