NAG-AALBURUTONG MAYON | Mas malakas na pagsabog, dapat paghandaan

Albay, Philippines – Muli na namang nagbuga ng makapal na abo ang bulkang Mayon ngayong Martes ng umaga.

Makapal na maputi-puting usok ang lumabas sa bunganga ng bulkang Mayon na umabot sa 5-kilometro ang taas.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, isang ‘strombolian eruption’ ang tawag sa ipinakikitang aktibidad ngayon ng bulkan at preparasyon ito sa mas malaki pang pagsabog.


Aniya ang patuloy na lava fountaining at explosives ay senyales na ‘hazardous eruption’.

Bagaman mas malakas ang nakikitang pagsabog ngayon sa bulkang Mayon kumpara noong taong 2006 at 2009, sinabi ni Solidum na malayo naman na mauwi sa napakalas na pagsabog gaya ng nangyari noong mga taong 1814 at 1897 na napakalayo ng inabot ng ash fall.

Kahit tuluy-tuloy ang pagbuga ng abo, hindi pa aniya ito sapat para itaas sa level 5 ang alerto ng Mayon kung pagbabatayan ang kasalukuyang kondisyon nito.

Pinalawig na rin sa hanggang 9-kilometer ang danger zone sa palibot ng bulkan.

Facebook Comments