Albay, Philippines – Nakatandang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Bicolano na naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, pagbalik ni Pangulong Duterte sa bansa matapos ang kanyang biyahe sa India ay inaasahan na dadalawin ng Pangulo ang ilang nasa evacuation centers sa Albay.
Pero sa ngayon ay wala pa rin namang inilalabas na petsa ang Malacañang kung kailan dadalaw ang Pangulo at kung saan.
Sa ngayon ay aabot na sa 72 libo ang mga apektadong residente na lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil na rin sa peligro na dala ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano.
Matatandaan na sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na inilabas na nila ang Internal Revenue Allotment ng lalawigan ng Albay para mas makatulong sa mga apektado ng aktibidad ng bulkan.