NAG-AALBURUTONG MAYON | Pagbuga ng lava, lalo pang lumakas – PHIVOLCS

Mas lumakas ang pagbuga ng lava ng bulkang Mayon kumpara sa nakalipas na araw.

Ayon kay PHIVOLCS volcanologist Ed Laguerta – mahigit 100 volcanic tremors o mga pagyanig ang naitala sa nakalipas na 24 oras.

Sinabi pa ni Laguerta na umabot na sa 4.5 kilometer ang lava flow sa Bonga Buyuan Channel habang nasa 3 kilometer sa Basud channel.


Tinatayang malapit ng maabot ng bulkang ang 60 million cubic meter pyroclastic materials o ang napakainit na mga bato, buhangin at abo.

Facebook Comments