NAG-AALBURUTONG MAYON | Pagpapatupad ng total price freeze sa lalawigan, hiniling

Manila, Philippines – Hiniling ng kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Bicol Movement for Disaster Respons sa mga ahensiya ng pamahalaan at LGU sa Albay na higpitan ang pagbabantay sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa calamity-affected areas upang mapigilan ang overpricing.

Kasabay din ng kanilang kahilingan ang paghingi sa mga kaukulang ahensiya ng relief at rehabilitation assistance.

Batay sa datos ng Department of Agriculture, may inisyal na 1.56 milyong piso ang inisyal na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa region 5 mula sa 112 agricultural areas sa lalawigan ang naapektuhan ng volcanic debris mula nang pumutok ang bulkan.


At 141 ang bilang ng mga magsasaka ang apektado na ngayon at nangangailangan ng kaukulang ayuda.

Facebook Comments