Albay, Philippines – Nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Albay bukas para kumustahin ang kalagayan ng mga residenteng lumikas dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Ayon kay Pangulong Duterte, kailangang muna niyang magpahinga dahil inatake ito ng migraine at nagbabadya ang kanyang sipon.
Nagbiro rin ang Pangulo na kung nagkataong tao ang Mayon ay tatadyakan niya ito sa patuloy na pag-aalburoto.
Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo na nailabas na ng gobyerno ang kinakailangang pondo ng mga apektadong lokal na pamahalaan.
Facebook Comments