NAG-AALBURUTONG MAYON | Philippine Red Cross, nagpadala na ng humanitarian aid sa mga taga-Albay

Albay City – Nagpaabot na ng ayuda ang Philippine Red Cross sa mga apektadong residente ng Albay bunsod ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon.

Ayon sa PRC Albay, 20 kahon o 1,800 dust masks ang ipinagkaloob sa mga residente ng Camalig at Guinobatan habang 2,000 pirasong dust masks naman ang ibinigay ng PRC National HQ.

Ang mga dust masks na ito ang magsisilbing proteksyon ng mga residente mula sa volcanic ash.


Nagpadala na rin ang Red Cross ng ligtas na tubig na maiinom mula sa PRC Catanduanes habang naka-stand by para sa possible deployment ang food trucks ng PRC Pasay at Manila Chapters.

Sa datos ng PRC Operations Center, mahigit sa 32,000 individuals o 7,888 families ang inilikas mula sa munisipalidad ng Camalig, Guinobatan, Malilipot, Daraga, Tabaco City, Sto. Domingo, Ligao City at Legaspi City dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon.

Sa ngayon, nananatiling nasa Alert Level 3 ang estado ng bulkang Mayon.

Facebook Comments