Albay, Philippines – Hindi matantiya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHILVOCS ang ipinapakitang aktibidad ng bulkang Mayon.
Ayon kay Winchelle Sevilla, batay sa kanilang monitoring, marami pa ring magma na pumapanhik sa bunganga ng bulkan dahil sa tuloy-tuloy pa rin ang lava fountaining.
Mula kaninang 12am hanggang 2:45, limang fountaining activity ang naitala ng PHIVOLCS.
Lumikha naman ito ng may mula 400 hanggang 500 meters column ng ash flume o magkahalong usok at abo.
Umabot na sa 5km ang ang pyroclastic density current o ang bumababang pinaghalong usok at abo.
Maituturing pa rin itong panganib sa mga sasakyang panghimpapawid habang ang ash fall ay banta pa rin sa kalusugan ng mga naninirahan malapit sa bulkang Mayon.