Albay, Philippines – Nilinaw ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na wala pang lahar flow na nararanasan sa paligid ng bulkang Mayon.
Ito ay kasabay ng pag-agos ng tubig na may kasamang bato sa ilang mga ilog sa Guinobatan, Albay dala ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.
Ayon sa PHIVOLCS, ito ay tinatawag na ‘sediment-laden stream flow’ o baha na may dalang buhangin, abo na may kaunting bato.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga residenteng malapit sa mga ilog na lumikas sa mataas sa lugar.
Facebook Comments