NAG-AALBURUTONG MAYON | Pyroclastic materials na ibinuga ng bulkan, umabot na sa 18.7 million cubic meters

Manila, Philippines – Umabot na sa 18.7 million cubic meters o 7,480 Olympic size swimming pool ang dami ng ibinubugang abo, lava, bato at pyroclastic materials ng bulkang Mayon.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), mula ng magkaroon ng heightened activity ang mayon noong Enero 13, umabot na sa 34 ang naitalang eruption nito.

Ayon kay Cedric Daep, hepe ng Albay Public Safety and Management Office, kung ikukumpara sa 1984, 1993 at 2000 eruption ngayon lamang nagkaroon ng ganitong pattern sa pagbuga ng bulkan ng makakapal na abo.


Muli namang nagpaalala si Paul Alanis, volcanologist ng region 5 sa mga residente na huwag maging kampante bagaman hindi pa nagkakaroon ng malakas na pagputok ang Mayon.

Sakaling mawala ang pamamaga ng bulkan, posibleng hindi na kailanganing itaas sa alert level five ang Mayon.

Sa ngayon pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng Albay ang inaasahang pag-ulan bunsod ng amihan at tail end of cold front na posibleng magdulot ng lahar flow.

Facebook Comments