Manila, Philippines – Pinamamadali ng Palasyo ng Malacañang kay Education Secretary Leonor Briones ang pagtatayo ng mga classrooms na pansamantalang magagamit ng mga estudyante na apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa briefing sa Legazpi City, Albay sa ngayon ay ginagamit bilang evacuation centers ang mga pampublikong paaralan kaya hindi makapagbukas ng klase ang ilan sa mga paaralan sa lalawigan.
Binigyang diin ni Roque na mahalaga ang pagpapatayo ng mga temporary classrooms sa lalong madaling panahon ang Department of Education para hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.
Tiniyak din naman ni Roque na handa ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan para harapin ang anumang scenario kaugnay sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon kung saan aabot na sa mahigit 38 libong indibidwal ang nasa evacuation centers.
On standby na aniya ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Department of Social Welfare and Development at Bureau of Fire Protection para tulungan ang mga naapektuhang residente.