NAG-AALBURUTONG MAYON | Tourist arrivals sa Albay, tumaas

Albay, Philippines – Kasabay ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon, ay siya namang paglobo ng bilang ng mga turistang dumadayo sa Albay, upang masaksihan ang mga pinakahuling aktibidad ng bulkan.

Ayon kay Tourism Secretary Frederick Alegre, fully booked na ngayon ang mga hotels at dinadagsa rin ang mga restaurant na nasa labas ng 9 kilometer danger zone, ng bulkang Mayon.

Base sa impormasyon mula sa Tourism Office sa lugar, nasa 10 porsyento ang itinaas ng tourist arrivals dahil sa pag-aalboroto ng bulkang Mayon, dahil kung ikukumpara sa mga nagdaang taon o sa mga ordinaryong araw, kadalasang mababa ang bilang ng mga turistang dumadayo sa Albay pagkatapos ng Christmas season.


Facebook Comments