NAG-AALBURUTONG MAYON | Training program, alok ng DTI sa mga naapektuhan

Albay, Philippines – Makakahinga na ng maluwag ang mga mga magsasaka at manggagawa na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Mayon, makarang mag alok ng training program ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Albay.

Sinabi ni DTI Albay Provincial Director Leah Pagao, sa ilalim ng “Alternative Income Opportunities” project, magbibigay ng tulong ang kagawaran sa mga evacuees, higit sa mga magsasaka at mga manggagawa na naapektuhan ang kabuhayan, upang may pagkunan ng pandagdag sa kanilang kita kahit malayo sila sa kanilang bukid at tahanan.

Ang DTI ay patuloy na nagkakaloob ng pagsasanay sa mga evacuation centers, kabilang dito ang skills training sa coco-coir at abaca twining para sa mga bakwit na lumikas mula sa barangay Quirangay.


Kaugnay nito 45 housewives at kabataan ang sinanay din, at ang kanilang mga produkto ay mayroon ng sure buyer, ang Cocotech Industries Phils. Inc. na nakabase sa Camalig, Albay.

Bukod dito, 25 housewife-evacuees mula naman sa Barangay Comon, Tabaco City ang sumailalim din sa pagsasanay sa abaca craft (bag and basket-making) nitong buwan sa Tabaco City Northwest Elementary School.

Ang DTI ay namahagi ng starter kits para sa initial production na nagkakahalaga ng P5,000.00.

Facebook Comments