Manila, Philippines – Sa kabila ng mga naitatalang pagbuga ng lava ng bulkang Mayon sa Albay, tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na normal at stable pa ang power transmission operations sa lugar.
Base sa abiso ng NGCP, sa kasalukuyan, mayroon na silang mga naipadalang tauhan upang inspeksyunin ang epekto ng mga aktibidad ng bulkan sa transmission lines sa mga residential area na malapit sa bulkan.
Nananatili rin silang naka-monitor sa sitwasyon sa lugar, upang agad na makaaksyon depende sa kakailanganin ng pagkakataon.
Facebook Comments