NAG-AALBURUTONG MT. IJEN | Mahigit 30 residente sa Java, Indonesia, isinugod sa ospital matapos makalanghap ng sulfuric gas

Mahigit 30 residente sa East Java, Indonesia ang isinugod sa ospital matapos na makalanghap ng sulfuric gas mula sa nag-aalburutong Mount Ijen.

Sa ulat, nakaranas ng paninikip ng dibdib at pagsusuka ang mga residente.

Dahil dito, nagpatupad ng forced evacuation para sa mahigit 200 nakatira malapit sa dalisdis ng Mount Ijen.


Ipinagbawal na rin muna ang pagmimina at pagpunta ng mga turista malapit sa crater ng bulkan.

Facebook Comments