Manila, Philippines – Nag-abiso ang Department of Labor and Employment (DOLE) tungkol sa holiday pay rules.
Ito’y kasabay ng paggunita ng Independence Day (June 12) at Eid’l Fitr (June 15) na kapwa regular holiday.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, ang mga empleyadong papasok sa June 12 at 15 ay makakatanggap ng double pay o 200% ng kanilang regular na sahod.
Ang mga sosobra pa sa walong oras ng trabaho ay may dagdag na 30% hourly rate.
Ang mga hindi naman papasok sa mga June 12 at 15 ay makakakuha pa rin ng 100% ng kanilang sahod.
Kung tumapat ng day-off at pumasok ang empleyado ay mababayaran ng dagdag 30% mula sa kanyang daily rate na 200% at dagdag pang 30% hourly rate kung humigit sa walong oras ang trabaho.
Facebook Comments