Manila, Philippines – Plano ni dating Sandiganbayan Presiding Justice Edilberto Sandoval na humalili sa pwesto kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Si Morales ay nakatakdang magretiro sa Hulyo.
Ayon kay Sandoval, na siyang chief ng office of the special prosecutor sa ilalim ng Office of the Ombudsman, kinumpirma niyang naghain siya ng application sa Judicial and Bar Council (JBC) para pamunuan ng Ombudsman.
Nagdesisyon aniya siyang mag-apply na lang sa halip na mag-antay ng nominasyon mula sa isang endorser.
Naging associate justice ng Sandiganbayan si Sandoval noong 1996 at naging presiding justice noong 2010.
Bago ito, inendorso na ni Supreme Court Associate Justice Arturo Brion ang kapwa mahistrado na si Teresita Leonardo-De Castro bilang susunod na mamuno sa Ombudsman.