NAG-BREAK DOWN | Matteo Guidicelli, nagpaabot ng mensahe sa girlfriend nito na si Sarah Geronimo

Manila, Philippines – Nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta ngayon si Matteo Guidicelli sa girlfriend nitong si Sarah Geronimo ilang oras pagkatapos mag-viral ang video ng breakdown nito sa kanyang concert sa Las Vegas.

Sa kanyang instagram post, naglabas si Matteo ng inspiring words sabay sabing nasa likod pa rin daw siya ni Sarah kung saan mahal na mahal daw niya ito at nami-miss na niya ng husto.

Kasama ng post na ito ang dalawang larawan nina Matteo at sarah na kuha mula sa bakasyon nila sa Palawan kamakailan.


Nabatid na naging laman ng balita ang biglaang pag-iyak ni Sarah sa kalagitnaan ng kanyang This 15 Me concert sa Las Vegas, Nevada habang inaalala ang kanyang mga pinagdaanan sa showbiz.
Sinasabing dulot na rin siguro ng magkahalong pagod at madamdaming pagpapakatotoo sa sarili kaya napaiyak si Sarah.

Facebook Comments