Nag-crash na helicopter sa Nueva Ecija, patuloy na iniimbestigahan ng CAAP

Isang babaeng piloto ang nasawi matapos mag-crash ang sinasakyang helicopter nito sa Purok Arimungmong, Barangay San Miguel, Guimba, Nueva Ecija, kagabi.

Base sa initial report, alas-diyes ng umaga kahapon ng umalis ng Maynila patungong Baguio ang helicopter.

Alas-dose ng tanghali, nagbaba ito ng isang pasahero sa Baguio bago ito lumipad muli patungong Binalonan, Pangasinan upang mag-refuel.


Ayon sa mga opisyal ng Binalonan Airport, napansin na nilang nahihirapang mag-restart ang helicopter bago ito lumipad nang alas-kwartro y medja ng hapon.

Alas-siete ng gabi ng ma-detect ng Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC) ang anim na emergency transmitter locator alerts kung saan nakumpirma na isang helicopter ang nag-crash sa Guimba, Nueva Ecija.

Kasalukuyan nang na sa crash site ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang alamin ang naging sanhi nang nasabing aksidente.

Facebook Comments