NAG-DONATE | Foreign investor ng Rappler, ibinigay ang investment sa mga Filipino managers

Manila, Philippines – Ibinabalik na ng US-based Omidyar Network ang Philippine Depositary Receipts (PDR) nito sa Rappler.

Nag-donate ang Omidyar ng $1.5 milyon halaga ng PDR sa 14 na Pilipinong manager ng Rappler, kabilang ang founder na si Maria Ressa.

Ayon sa Omidyar, nawalan na ng basehan ang Securities and Exchange Commission na ipasara ang Rappler dahil sa umano’y paglabag nito sa “foreign equity restriction” na nakasaad sa saligang batas.


Kasabay nito, nagpasalamat naman si Ressa sa donasyon ng Omidyar.

Umapela rin siya sa SEC na iatras na ang closure order para mapatunayang walang bahid ng politika ang pagbawi nito ng lisensiya ng Rappler.

Sa isang pahayag, sinabi ng SEC na pag-aaralan muna nito ang isyu at ipinunto ring nakahain na sa Court of Appeals ang kaso ng Rappler.

Facebook Comments