NAG-EXPLAIN | Nicki Minaj, itinangging isasabay ang pagre-release ng kaniyang album kay Ariana Grande

Hollywood – Itinanggi ngayon ng singer / rapper na si Nicki Minaj na dine-delay nito ang pag-release ng kaniyang album para isabay sa kapwa singer na si Ariana Grande.

Ayon kay Nicki, hindi daw niya style ang ganun klase ng pakikipag-kumpetensiya kung saan tinawanan lamang nila ni Ariana ang nasabing isyu.

Nabatid kasi na itinuturing nila ang isa’t-isa na malapit na magkaibigan at partner din paminsan-minsan sa pagkanta.


Sa huli, sinabi na lang ni Nicki na abangan na lamang daw ng kanilang mga fans ang latest album nila na ilalabas ngayong buwan.

Facebook Comments