Manila, Philippines – Nagkaroon ng dalawang beses na lava fountain ang bulkang Mayon kagabi.
Unang naitala ito 8:16 ng gabi at nasundang bandang 10:45 ng gabi.
Umabot sa 1,500 metro ang eruption column habang ang lava fountain naman ay umabot ng 200 metro.
Ayon sa PHIVOLCS, nag-iipon ang bulkan ng pressure sa ilalim nito na posibleng sundan ulit ng pagputok.
Naghahanda na rin ang PHIVOLCS sa posibilidad ng patuloy na lava flow gayundin ang mas malakas na pagsabog.
Facebook Comments