NAG-IISA | Punong Barangay Gemma Calzado ng Barangay Kasing-Kasing, Molo, Iloilo City, nasa narco-list ng PDEA

Iloilo City – Nag-iisa sa buong rehiyon 6 si Punong Barangay Gemma Calzado ng Barangay Kasing-Kasing, Molo, Iloilo City na nasa narco-list ng PDEA na inilabas kahapon.

Kasabay ito sa inilabas na narco list ng PDEA upang maabisuhan ang mga botante na huwag botohin ang mga kandidatong may kaugnayan sa illegal drugs.

Kaugnay nito, marami ang nadismaya dahil hindi kabilang sa listahan ang mga barangay officials na inaasahang makakasama talaga dahil kilalang kamag-anak ng mga drug personalities.


Kaagad namang pumunta sa tanggapan ng PDEA 6 si Punong Barangay Calzado upang linisin ang kanyang pangalan at pinaninindigan nito na wala siyang pinoproteksyunan na drug personalities.

Dumipensa naman ang PDEA kung bakit hindi kabilang sa narco-list nila ang mga kilala at matunog ang pangalan sa isyu ng illegal na druga.

Sinabi ni PDEA 6 Director Wardley Getalla na sumailalim sa masusing validation ang mga barangay officials bago nila nilalagay sa narco-list.

Facebook Comments