NAG-INHIBIT | Judge na may hawak sa kaso laban sa grupo ni Ka Satur Ocampo, nag-inhibit

Manila, Philippines – Nag-inhibit sa kasong double murder laban kina National Anti-Poverty Commission o NAPC Secretary Liza Maza, dating Makabayan partylist Representativea Satur Ocampo at Teddy Casino, at dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano si Nueva Ecija RTC Judge Evelyn Atienza-Turla.

Si Judge Turla ang naglabas ng warrant of arrest laban sa apat na makabayan leaders at iba pang akusado na nadadawit sa pagpatay kina Carlito Bayudang at Jimmy Peralta sa Nueva Ecija.

Dahil sa pag-inhibit ni Judge Turla, muling iniraffle ang kaso kanina sa Cabanatuan city kung saan napunta ito sa sala ni RTC branch 25 judge Trese Wenceslao.


Hindi pa malinaw sa ngayon ang dahilan kung bakit umatras si Judge Turla sa paghawak ng nasabing kaso.

Facebook Comments