NAG-ISYU | Show cause order, pinataw ng SC laban kay same sex marriage petitioner Atty. Jesus Nicardo Falcis III

Manila, Philippines – Nag-isyu ang Korte Suprema ng show cause order laban sa grupo ni same sex marriage petitioner Atty. Jesus Nicardo Falcis.

Bunga ito ng kabiguan ng petitioners na makapaghain ng memorandum sa kanilang petisyon.

Bukod kay Falcis, inisyuhan din ng show cause order ang kanyang co-counsels na sina Atty. Darwin Angeles, Atty. Keisha Trina Guangko at Atty. Christopher Ryan Maranan ng Molo Sia Dy Tuazon Ty and Coloma Law Offices.


Binigyan din ang petitioners ng sampung araw para magpaliwanag kung bakit hindi sila pwedeng i-cite for contempt dahil sa kabiguang magcomply sa June 26,2018 Court Order.

Hindi rin pinagbigyan ng Korte Suprema ang hirit ng grupo ni Falcis na Motion for Extension of Time to file Memorandum dahil sa kakulangan ng merito.

Taliwas naman ito sa ginawa ng Office of the Solicitor General at ng Intervenors-Oppositors kung saan nakapaghain sila ng memorandum sa itinakdang panahon ng Kataas Taasang Hukuman.

Si Falcis ay una nang napatawan ng direct contempt ng Supreme Court bunga ng pagsusuot ng punit-punit na pantalon, casual jacket at hindi pagsuot ng medya sa oral arguments.

Facebook Comments