Hinihingan ng paliwanag ng ilang progresibong mambabatas si Pangulong Duterte kaugnay sa nag-leak na direktiba nito na nagsasaad ng ikalawang dagdag na sahod para sa mga sundalo at iba pang uniformed personnel.
Ayon kay Assistant Minority Leader France Castro, dapat na ipaliwanag ng pangulo ang kumakalat na Presidential directive kung saan itataas muli sa ikalawang pagkakataon ang sweldo ng mga unipormadong tauhan ng gobyerno na ipapatupad bago matapos ang termino nito sa 2022.
Umalma si Castro dahil ilang beses na mabibigyan ng pay hike ang mga sundalo at pulis pero ang mga guro at iba pang empleyado ng pamahalaan at kakapiranggot lamang ang idinagdag sa sahod na hinati-hati pa sa apat na tranches.
Maaring tinututulan ng Kongresista kung sakaling totoo ang direktibang kumakalat.
Sinabi pa nito na kung anu-anong mga salita na ang natatanggap ng mga guro mula sa administrasyon pero kapag ang mga uniformed personnel ay napakabilis at hindi na nagdadalawang isip sa pagbibigay ng umento sa sahod.
Iginiit pa ni Castro, patuloy nilang ilalaban ang nararapat na sahod sa lahat ng mga public school teachers at government employees sa buong bansa.