Nag-negatibo sa test para sa COVID-19 sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go

Ayon kay Sen. Go, lumabas sa resulta na nasa mabuti ang kanilang kalusugan at handang gampanan ang kanilang trabaho.

Hinimok ni Go ang publiko na sundin ang payo ng mga health professionals kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila sa community quarantine simula bukas, March 15.

Maging sila ay seryosong tatalima sa ipinapatupad na precautionary measures.


Siniguro rin ni Go na ginagawa na ng gobyerno ang lahat ng makakaya para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments