NAG-PARTY? | PDEA chief, pagpapaliwanagin kasunod ng litrato kasama ang mga sangkot sa shabu smuggling

2268

Manila, Philippines – Pagpapaliwanagin ni Sen. Richard Gordon si Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Director Gen. Aaron Aquino dahil sa pakikipag-party sa mga umano ay sangkot sa smuggling ng naglahong higit isang toneladang shabu.

Ito ay matapos ipakita ni Gordon sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, ang litrato kung saan kasama ni Aquino sina dating PDEA Director Ismael Fajardo at dating Police Superintendent Eduardo Acierto.

Batay sa impormasyon ni Gordon, kuha ang litrato noong September 3 sa birthday party ni Fajardo.

Ayon kay Gordon, pinagtataka niya na kasama si Aquino sa litrato gayung mayroon ng lumutang na impormayson na dawit sina Fajardo at Acierto sa smuggling ng droga na naipasok sa bansa.

Inaasahan ni Gordon na magsasalita hinggil rito si Aquino sa susunod na pagdinig ng Senado.

Facebook Comments