NAG-PROPOSE NA? | Matteo Guidicelli, itinangging nag-propose kay Sarah G

Manila, Philippines – Itinanggi ngayon ng aktor na si Matteo Guidicelli ang balitang nag-propose na daw ito kasintahang si Sarah Geronimo nang magbakasyon sila sa Palawan nitong nakaraang Semana Santa.

Ayon kay Matteo, walang prososal na naganap kung di bakasyon lamang kung saan sa Palawan na din niya ipinagdiwang ang kaniyang ika-28 na kaarawan noong March 26.

No comment din daw ang aktor sa mga nagtatanong kung kailan niya planong pakasalan si SARAh basta time will come na lang daw.


Sa ngayon, nais lang nilang i-enjoy muna ang kanilang relasyon kahit pa paminsan-minsan ay mayroon silang mga pinagdadaanan.

Facebook Comments