NAG-RESIGN | PPCRV Chair Rene Sarmiento, nagbitiw na sa pwesto

Manila, Philippines – Apat na buwan matapos sumailalim sa isang head surgery para sa subdural hematoma, nagbitiw na sa pwesto si PPCRV Chair Rene Sarmiento.

Ayon kay Sarmiento, matapos nitong makibahagi sa brgy elections, at ipa pang usapin na may kinalaman sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting, panahon na aniya upang magpahinga na mula sa kanyang tungkulin.

Ang termino ni Sarmiento bilang Chairman ng PPCRV ay matatapos sana sa Octubre 2022.


Kaugnay nito, papalit sa pwesto si Sarmiento si PPCRV Vice Chairman Johnny Cardenas hanggang makapaghalal muli ng council ng panibagong pinuno

Facebook Comments