NAG-SHOPPING? | Preso na huli sa aktong bumabalik ng kulungan matapos na tumakas, arestado sa Texas

Texas – Isang preso na una nang nakatakas ang naaresto muli ng Texas Police matapos na mahuling bumabalik sa kulungan!

Ayon sa Jefferson County Sheriff Office – nakatanggap sila ng tip na may mga inmate sa Federal Correctional Complex sa Beaumont, Texas ang tumatawid sa isang private land mula sa prison ground.

Nang maglagay ng surveillance facility sa lugar, nakita nila ang pagbababa ng bag ng isang sasakyan sa nasabing private property na agad namang kinuha ng inmate na si Joshua Hansen.


At habang pabalik ng prison ground doon na siya inaresto ng mga pulis.

Nang buksan ang bag, tumambad sa kanila ang napakaraming home-cooked food, isang bote ng alak, snacks at prutas.

Facebook Comments