NAG-SORRY | Babaeng nag-in my feeling challenge, nag-public apology na

Matapos mag-viral at ma-bash sa social media nag-public apology na ang babaeng “nag-in my feelings” challenge sa Kamuning flyover sa EDSA.

Sa isang panayam, sinabi ni Micha Anne Gabuten na handa siya at maging ang kaniyang mga kaibigan na bayaran ang violations na kanilang kinahaharap.

Pagbabayarin siya ng MMDA ng P500 para sa jaywalking at P500 para sa kaibigan niyang nagmamaneho noon para naman sa reckless driving.


Paliwanag ni Micah, bandang alas-onse ng umaga noong August 1 nila ginawa ang challenge dalawang araw matapos magbabala ang MMDA hinggil rito.

Ayon naman kay MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, sapat nang hinarap ni Micha ang kasalanan kaya umapela ito sa publiko na tigilan na ang bashing.

Muli rin itong nagpaalala na huwag gayahin ang ginawa ni Micah.

Facebook Comments