Manila, Philippines – Humingi ng paumanhin ang international travel at lifestyle magazine na Condé Nast matapos mabatikos dahil sa pagpili ng representante sa Pilipinas na mali namang nagpapakita ng kultura at tradisyon ng mga Pilipino.
Matatandaang usap-usapan sa social media ang web video series na may titulong ‘Many People, Many Places’ kung saan nasa 70 representante mula sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo kabilang ang Pilipinas ang tinanong at pinasasagot sa kanilang sariling wika.
Ilang Pinoy netizens ang nagalit at nadismaya sa Filipina representative dahil hindi nito nagawang magbilang sa wikang Filipino, isalin at kantahin ang ‘happy birthday’ sa tagalog at ang simpleng pag-translate sa tagalog ng ‘cheers!’.
Lalo pang ikinainis ng mga Pinoy netizens nang sabihin ng Filipina representative na wala itong alam na tagalog ‘tongue twisters’.
Sa statement ng Conde Nast, inaako nila ang buong responsibilidad at iginagalang nila ang pagpapakita ng iba’t-ibang aspeto mula sa mga bansang kanilang itinampok sa web video series.
Samantala, ngayon buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang ang buwan ng wika na may temang: ‘Filipino: Wika ng saliksik’