Manila, Philippines – Humingi ng tawad si dating Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Mark Tolentino kay Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pagbabanggit nito ng mga pangalan ng first family.
Sa public apology ni Tolentino, aminado siya na nailagay niya sa kahihiyan ang first family sa isinagawa niyang press conference nong Mayo 18 kaya at nais niyang mapatawad siya ng mga ito.
Itinanggi din ni Tolentino na wala silang napag-usapan ng kaanak ni Pangulong Duterte kung saan humingi umano siya ng suporta para ibulgar daw ang mga anomalya sa ipinapanukalang Mindanao Railway Project.
Dagdag pa ni Tolentino, hangad lamang daw niya na mabigyan ng update ang mga taga-Mindanao hinggil sa nasabing proyekto at nais lamang din daw niyang maprotektahan ang Pangulo.
Umaasa naman si Tolentino na mabibigyan siya ng pagkakataon na maipaliwanag niya ang isyu sa Pangulo.