Manila, Philippines – Humingi ng tawad sa mga biktima ng martial law si dating Senador Juan Ponce Enrile.
Kumambyo rin si Enrile matapos sabihin sa nauna niyang panayam kay dating Senador Bongbong Marcos na walang kinulong o pinatay noong martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa isang panayam, iginiit ni Enrile na hindi niya ito ipinahayag.
Aniya, isinisisi niya ito sa ‘unlucid intervals’.
Dagdag din ni Enrile – hindi niya batid na may higit 1,000 human rights victims ang nabigyan ng kompensasyon ng human rights board.
Sa huli, inamin din ni Enrile na may mga pinatay at inaresto sa ilalim ng batas militar.
Facebook Comments