NAG-SORRY | Facebook founder Mark Zuckerberg, humingi ng tawad sa European Union

Amerika – Humingi ng tawad si Facebook founder Mark Zuckerberg sa mga mambabatas ng European Union (EU) kasunod ng nangyaring malawakang data leak scandal.

Ayon kay Zuckerberg, payag siyang makipagpulong sa mga lider ng European Parliament para sa sagutin ang mga tanong kung paano nakuha ng Consultancy Cambridge Analytica ang personal data ng nasa 87 milyong FB users.

Iginiit din ni Zuckerberg na nagkulang sila sa pag-develop ng tools na mapigilan ito.


Tiniyak ng Facebook boss na handa silang tumalima sa ruling ng EU.

Facebook Comments