NAG-SORRY | Gretchen Barreto, nag-public apology

Manila, Philippines – Humingi na ng public apology ang socialite/actress na si Gretchen Barretto matapos kumalat ang video nito habang pinagtatawanan ang isang letter sender na humihingi ng tulong.

Kasamang nag-apologize ni Gretchen ang mga kaibigan na sina Mimi Que at Patty Pineda dahil sa maling asal na kanilang nagawa.

Ayon kay Gretchen, hindi lahat ay nakaunawa sa kung ano man ang kanilang pinagtatawanan kung saan hindi naman naging big deal sa mismong letter sender ang nag-trending o usap-usapan na video.


Maging ang hindi na nagpakilalang letter sender ay natawa rin noong panoorin ang video dahil mahirap intindihin ang kanyang sulat lalo at Bisaya siya.

Kahit na papano, “wish granted” pa rin naman ang request ng letter sender kaya labis ang pasasalamat nito kay Gretchen.

Facebook Comments