NAG-SORRY | Imelda Marcos, humingi ng patawad sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Humingi ng paumanhin si Ilocos Norte Representative Imelda Marcos sa Sandiganbayan 5th Division matapos itong hindi makadalo sa pagbaba ng hatol sa kaniyang mga kasong katiwalian noon Biyernes.

Batay sa mosyong inihain ng kampo ni Marcos sa korte*, *sinabi ng mambabatas na hindi ito pambabastos sa korte.

Nagkataon lang aniya na nakakaranas siya ng multiple organ infirmities.


Mahigpit aniya ang bilin ng kanyang doktor na lumayo muna sa stress dahil posible itong makaapekto at maging peligro para sa kanyang puso at utak.

Kasabay nito, hiniling ni Marcos na bigyan siya ng pagkakataon ng korte na iapela ang kaniyang hatol at huwag munang ipaaresto.

Matatandaang ipinagpaliban muna ng Sandiganbayan ang paglalabas ng arrest warrant laban sa ginang matapos itong maghain ng kanyang apela.

Facebook Comments