NAG-SORRY | JM De Guzman, humingi ng sorry sa kaniyang ama hinggil sa sagutan nila sa social media

Manila, Philippines – Humingi ng sorry ang aktor na si JM de guzman sa kanyang amang si Ronniel De Guzman matapos ang naging sagutan nila sa social media.

Sa kanyang instagram post, nagbahagi ng quote card si JM na nagsasabing hindi kailangang mang-insulto ng kapwa upang patunayan ang paninindigan sa isang argumento.

Hindi idinetalye ni JM kung ano ang pinag-awayan nila ng kanyang ama, pero hinala ng netizens na may kaungayan ito sa tila palitan ng salita ni Ronniel at aktres na si Angelica Panganiban sa kani-kanilang mensahe sa social media.
Nabatid kasi na tila tutol ang ama ni JM na sa pagkakaibigan nito sa aktres na si Angelica dahil mula nang magbalik ito sa showbiz ay madalas na silang nagkakasama sa lakad ng kanilang barkada.


Facebook Comments