NAG-SORRY | Kongresistang nagbiro na babawiin ang lisensya sa mga hindi nakakakilala kay Sap Bong Go, nag-public apology

Manila, Philippines – Humingi na ng paumanhin si ACTS OFW Partylist Rep. John Bertiz sa publiko kaugnay sa kanyang naging biro na babawiin ang lisensya ng mga hindi nakakakilala kay Special Assistant to the President Bong Go sa ginanap na PRC Oath Taking para sa mga bagong agricultural at biosystem engineers.

Nag-viral ang video na ito ni Bertiz sa social media na umani ng pagbatikos sa kongresista.

Si Bertiz ang kumatawan kay Go sa nasabing event kung saan tinanong niya ang mga manunumpa kung kilala si SAP Bong Go.


Sumagot ang mga ito na hindi nila kilala si Go at doon na nagbiro si Bertiz na babawiin ang PRC license ng mga hindi nakakakilala kay SAP.

Inako ni Bertiz ang full responsibility sa naging biro na batid umano niyang inappropriate para sa isang public official.

Wala aniya siyang masamang intensyon at inihalimbawa ang kanyang “joke” sa isang stand-up comedy.

Nilinaw naman ni Bertiz na walang kinalaman si Go sa kanyang mga nasabi at naging biro.

Facebook Comments