NAG-SORRY | MRT-3, humingi ng sorry sa mahabang pila ngayong umaga

Humingi ng pasensya ang Metro Rail Transit Line 3 sa naranasang mahabang pila sa mga istasyon ng tren.

Sa pagbubukas ng operasyon ng MRT-3 kaninang 5 A.M, pitong tren lamang ang bumibiyahe.

Pitong minuto ang pagitan ng pagdating ng susunod na tren na naging dahilan para humaba ang pila partikular sa may North Avenue station.


Ayon kay MRT-3 Director for Operations Mike Capati, nagkaroon ng problema ang ilan tren bago sila inilagay sa mainline kaya pito lamang ang bumibiyahe.

Naayos na aniya ang dalawang tren kaya nasa labing apat na tren na ang napapakinabangan ng mga commuters na may 7 minutes ang pagitan.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments