NAG-SORRY | Pamunuan ng mall, humingi ng paumanhin sa ginawang pambabastos ng kanilang security guard

Humingi na ng dispensa ang pamunuan ng Farmers Plaza hinggil sa ginawang pambabastos at pagtataboy ng isa nilang guwardiya sa magkasintahang PWD.

Sa tulong ng isang interpreter, inilahad nina Emmanuel Bernardino at Robelyn Arcangel, na kapwa deaf (bingi), kung paano sila binastos ng guwardiya sa entrance ng mall.

Nabatid kasi na nais ng guwardiya na buksan nina Bernadino at Arcangel ang kanilang bag pero isinesenyas daw nila na bingi sila subalit hindi sila pinansin ng guwardiya at minura pa raw sila nito.


Dagdag pa nila, kahit daw nabuksan na ang bag, tumanggi pa rin ang guwardiya na papasukin sila at itinaboy pa raw sila nito.

Mas nadismaya pa sina Emmanuel at Robelyn nang magsumbong sa tanggapan ng mall dahil nagtatawanan pa raw ang mga tao doon.

Dahil dito, magsagsagawa ng sariling imbestigasyon ang pamunuan ng Farmers Plaza para panagutin kung sinu-sino pa ang mga guwardiyang minaliit ang magkasintahan na PWD.

Facebook Comments