Nag-sorry ang Philippine National Police (PNP) matapos maglabas ng maling impormasyon hinggil sa lugar sa bansa na pinakatalamak ang droga.
Ito ay matapos ihayag ng PNP na nagunguna ang Naga City bilang hotbed ng shabu kasama ang Angeles City, Pampanga, Puerto Princesa City, Palawan at Olongapo City.
Paglilinaw ni PNP Spokersperson Senior Superintendent Benigno Durana, crime rate talaga ang nais nilang patungkulan.
Aniya, nasa ika-anim na pwesto ang Naga City sa mga lungsod sa bansa na may pinakamaraming krimen.
Aminado naman si Durana na wala naman silang datus ng mga lugar na ikinokonsiderang hotbed ng shabu.
Pero dahil sa taas ng krimen sa isang lugar ay posibleng may kinalaman pa rin ito sa paglaganap ng ilegal na droga.
Facebook Comments