NAG-SORRY | Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, humingi ng pasensya sa matagal na rehabilitasyon ng Marawi City

Lanao del Sur – Humingi si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza sa mga residente ng pasensiya sa paglutas sa mga problemang iniwan ng limang buwan kaguluhan sa Marawi City.

Sa press briefing sa Provincial Capitol ng Lanao del Sur, kinilala ni Dureza ang pagkainip ng mga na-displace na residente pero sinabing hindi maaaring madaliin ang rehabilitasyon.

Sinabi naman ni Assemblyman Zia Alonto Adiong na target nila ngayong taon na mailipat sa temporary shelter ang lahat ng naapektuhang pamilya mula sa evacuation centers.


Batay sa datos, may 27,925 pamilya ang klasipikadong “internally displaced person” na hindi pa nakauwi mula nang mangyari ang kaguluhan.

Bukod sa problemang nararanasan ng mga residente, problema rin ang mga nawawala at mga bangkay na hindi pa nabibigyan ng pagkakakilanlan.

Mula sa 161 na nakuhang bangkay, 10 pa lang ang nabibigyan ng pagkakakilanlan.

Facebook Comments