NAG-SORRY | Senator Trillanes – humingi ng paumanhin sa liderato ng Senado

Manila, Philippines – Humingi ng paumanhin si Sen. Antonio Trillanes sa mga empleyado at liderato ng Senado nito dahil sa ‘inconvenience’ na idinulot ng kanyang halos isang linggong pananatili sa kanyang opisina sa legislative building.

Mula pa nitong Martes (Sept. 4) ay nananatili si Trillanes sa loob ng Senado matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin siya sa pamamagitan ng proclamation no. 572 na siyang nagpapawalang bisa ng amnestiya.

Aminado si Trillanes na kailangang mag-adjust noong mga unang araw kaya medyo naging magulo.


Iginagalang ng Senador ang desisyon ng Senate leadership at tatalima siya sa mga polisiya nito.

Nitong Biyernes, ipinatupad ni Senate President Tito Sotto III ang 12-hour visiting schedule mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

Mananatili si Trillanes sa loob ng kanyang opisina hanggang mapagdesisyunan ng Korte Suprema ang kanyang petisyon na nagpapabasura sa proklamasyon ng Pangulong Duterte.

Facebook Comments