Naging matagumpay ang pagpupulong nina British Prime Minister Theresa May at European Commission President Jean-Claude Juncker sa Brussels, Belgium.
Ayon sa EU Commission – maganda ang pag-usad ng pulong ng dalawa kasabay ng pagtiyak ng British leader sa commitment nito na gumawa ng hakbang na pampalubag sa mga oposisyon na tutol sa kanyang Brexit draft treaty.
Ang British at European Parliaments ay kailangang ratipikahan ang tentative deal para mawakasan na ang higit 40-years ng partnership bago ang Brexit day, o maari ring kumalas ang Britanya sa EU na walang treaty.
Facebook Comments