NAG-USAP | PRRD at Qatar Deputy PM, nagpulong

Manila, Philippines – Nagharap sa isang pulong kagabi sa MalacaƱang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Qatar Deputy Prime Minister at Foreign Minister Sheikh Mohammed Bin Abdulrahman Al-Thani para patatagin pa ang ugnayan ng dalawang bansa.

Gayunman tumanggi ang MalacaƱang na magbigay ng detalye sa napag-usapan ng nasabing mga lider at ng mga top officials.

Pero asahan na umano ang pagkakaroon ng state visit sa Pilipinas ni Qatarā€™s Emir Shiekh Tamim Bin Hamad Al Thani ngayong taon.


Nabatid na ang Qatar ang ika-anim sa export market ng Pilipinas at pang apat naman sa Middle East noong nakaraang taon.

Facebook Comments