NAG-USAP | Pulong nina CGMA at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, naging matiwasay

Manila, Philippines – Naging maayos ang pulong nina House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at ang pinatalsik na si dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Arroyo, binanggit niya kay Alvarez na ipagpapatuloy niya ng legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang na aniya rito ang Coconut Farmers, Land Use Act at ang pagbuo ng Disaster Department.


Sabi pa ni Arroyo na kasama rin sa naging pag-uusap nila Alvarez ang paglipat niya sa opisina nito.

Pero naki-usap raw si Alvarez na sa Hulyo 30 na lang gawin ang paglipat.

Tiwala rin aniya siyang makikipagtulungan sa kaniyang pamumuno sa Kamara si Alvarez.

Facebook Comments