NAG-USAP | US President Donald Trump at South Korean President Moon jae-in, nagpulong para tiyaking matutuloy ang North Korea-US Summit

Nagpulong sina South Korean President Moon Jae-in at U.S. President Donald Trump para tiyaking matutuloy ang North Korea-US Summit.

Ito ay sa kabila ng banta ng North Korea na kakanselahin ang high-level talks.

Tumagal ang pag-uusap nina Trump at Moon sa telepono sa loob ng 20 minuto kung saan tinalakay ang reaksyon ng Pyongyang.
Magkikita sina Trump at Moon sa Martes sa Washington bago ang nakatakdang pagkikita nina Trump at North Korean Leader Kim Jong-un sa Singapore sa June 12.


Facebook Comments