Nag-viral na escort-for-hire post, tiniyak na dadaan sa masusing imbestigasyon ng liderato ng PNP HPG

Tiniyak ng pamunuan ng PNP Highway Patrol Group ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa nag-viral na escort-for-hire post sa social media.

Batay sa Instagram post na burado na ngayon, makikita ang umano’y HPG personnel sakay ng motorsiklo sa harap ng sasakyan.

Ni-rentahan umano ng asawa ng nag-post na social media influencer ang serbisyo ng HPG personnel upang makaiwas siya sa traffic patungo sa kaniyang destinasyon.


Sa pahayag na inilabas ng HPG, hindi nila kukunsintihin ang anumang pagkakasangkot ng kanilang mga tauhan sa escort-for-hire services lalo pa’t labag ito sa kanilang existing protocols at regulations.

Inaalam na rin nila ang katotohanan sa likod ng post.

Paniniguro ng PNP HPG sa publiko na asahan ang isang transparent at malalimang proseso ng imbestigasyon.

Facebook Comments